PNP naimbestigahan 'record-breaking' 16,300 cybercrime cases (Latest Sabong News)
Author
James Relativo
Date
SEPTEMBER 15 2023
MANILA, Philippines — Ibinida ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group ang panibagong "milestone" sa pagsugpo sa banta ng cybercrime sa pamamagitan ng kaliwa't kanang imbestigasyon, pag-aresto at pagsaklolo sa mga biktima.
Ito ang ibinahagi ng PNP-ACG sa isang pahayag nitong Huwebes pagdating sa 16,297 kasong tinutukan nito simula Enero hanggang Agosto 2023, lalo na't lumalaki raw ang pagdepende ng mga Pilipino sa internet.
"These cybercrime incidents are not static; they evolve with technology. This year, cybercriminals have exploited emerging technologies like Non-Fungible Tokens (NFTs), cryptocurrencies, and online casinos to defraud unsuspecting victims," ani PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Sidney S. Hernia.
"Online scams, in particular, have become the most prevalent type of cybercrime, reflecting the changing landscape of digital threats."
Sa tala ng mga otoridad, kabilang sa top 10 cyercrimes na naiulat sa ACG ang:
Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos maisabatas ang
, bagay na pinirmahan diumano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang masawata ang text scams atbp. uri ng krimen gamit ang mobile communications.
Una nang nabatikos ang batas dahil sa "peligrong" maaaring maidulot nito sa privacy lalo na sa lehitimong kritiko ng gobyerno gaya ng mga aktibista. Setyembre lang nang
ng Department of National Defense na maaari nila itong gamitin laban sa "enemies of the state."
Ayon pa sa PNP, nahigitan na ng ACG ang dati nilang accomplishments matapos maihain at maisakatuparan ang sumusunod:
Nagresulta raw ang ganitong pagsusumikap sa pagkakaaresto ng 397 indibidwal. Bukod pa ito sa pagkakasagip sa 4,092 biktima — karamihan dito ay mula sa mga operasyon laban sa human trafficking.
“The achievements of the Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group in solving cases and safeguarding the digital realm are a display of our focused agenda on advancing our information and communication technology for the conduct of honest and aggressive law enforcement operations," ani PNP chief PGenn Benjamin Acorda Jr.
"The overall efforts of the ACG, under the proficient supervision of PBGEN Sidney S. Hernia, in addressing the evolving landscape of cybercrimes, are commendable."
Bukod sa mga nabanggit, patuloy naman daw mino-monitor ng ACG ang mga aktibidad gaya ng E-Sabong habang pinatitindi ang cyber patrol operations laban sa terorismo, fake news sa social media platforms at pagkakasa ng digital forensic examinitions para makalap ng ebidensya laban sa mga cyber criminals.